NHA at PAO sanib pwersa sa pagbibigay ng libreng legal assistance

Sinelyuhan ng National  Housing Authority at public Attorney’s Office ang isang kasunduan para makapaghatid ng libreng legal assistance sa mga benepisyaryo ng pabahay ng gobyerno. Mismong sina NHA General Manager Joeben Tai at PAO Chief Public Attorney Dr. Persida V. Rueda-Acosta ang nagkasundo sa naturang programa. Nagsagawa ng People’s Caravan ang NHA na kung saan ang PAO ay naimbitahan na makapagbigay ng libreng konsultasyon sa usaping batas. Ang People’s Caravan ay ang pinakabagong inisyatibo ni Tai upang tuluyang mapalapit sa mga benepisyaryo ang mga serbisyo ng gobyerno. Ang People’s Caravan ay isasakatuparan sa pamamagitan ng convergence o pakikipagtulungan ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno at nakatakdang ganapin sa mga proyektong pabahay ng NHA sa buong bansa. Ang pagsasagawa ng caravan ay kabilang sa 10-Point Agenda for Improvement na inilatag ng pamunuan ni Tai at NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano. Layunin ng naturang proyekto na matugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo ng ahensya tungo sa isang progresibong komunidad. Positibo si  Tai na ito ay simula pa lamang ng marami pang makabagong pamamaraan ng NHA sa pagpapa-angat ng antas ng pamumuhay ng mga pamilyang Filipino. Samantala, tiniyak naman ni Atty. Acosta ang suporta ng PAO sa NHA at siniguro  na sila ay dadalaw rin sa iba’t-ibang proyektong pabahay ng NHA sa bansa para sa mas malawak na pagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga resident

Read more...