24 volcanic quake, 257 rockfall events at 16 dome collapse ang naitala sa Bulkang Mayon
Aabot sa 24 na volcanic earthquake, 257 rockfall events at 16 na dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 1.3 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully at pagguho na lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.
Nasa 663 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 600 metrong taas at katamtamang pagsingaw ng plume ang ibinuga ng bulkan na napadpad sa kanluran-timog-kanluran at timog kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.