Right to Care Card para sa LGBTQIA+ community inilunsad sa QC

By Chona Yu June 24, 2023 - 03:40 PM

 

Inilunsad ng Quezon City government ang Right to Care Card para sa LGBTQIA+ community.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng program ana mabigyan ng pagkakataon ang nasa LGBTQIA+ community na magkaroon ng medical decisions para sa kanilang mga partner.

Magiging operational ang Right to Care Card sa pamamagitan ng Special Power of Attorney (SPA) at kikilalanin ang desisyon kung tututol o sasang-ayon sa mga medical care ng kanilang mga partner kabilang na ang treatment, procedures, tests, at prescriptions.

“There have been reports of LGBTQIA+ community members who were prohibited from making crucial decisions  when their partners were admitted to intensive care units of hospitals,” pahayag ni Belmonte.

“We want all of our residents, regardless of sexual orientation, to be with their partners in critical moments, and  we are taking this important step to assure the rainbow community that they are cared for, recognized and valued in Quezon City,” dagdag ni Belmonte.

Sa kasalukuyan, kinikilala lamang ng mga ospital at medical facilities ang desisyon ng mga legal na asawa o mga kamag-anak at hindi ng mga partner ng same-sex couple.

Sabi ni Belmonte, unang ipatutupad ang Right to Care program  sa Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, at Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Susunod naman aniya ang mga pang mga ospital o sa private hospital sa lungsod.

 

TAGS: joy belmonte, LGBT, news, quezon city, Radyo Inquirer, joy belmonte, LGBT, news, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.