Dalawang volcanic quake, 308 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

By Chona Yu June 24, 2023 - 11:46 AM

 

Dalawang volcanic earthquakes at 308 rockfall events at isang dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ng bulkan.

Nasa 744 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

May 600 metrong taas at katamtamang pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran ng plume ang naitala sa bulkan.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

 

TAGS: Albay, Bulkang Mayon, news, Radyo Inquirer, volcanic quake, Albay, Bulkang Mayon, news, Radyo Inquirer, volcanic quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.