Ilang kalsada, sarado na para sa isasagawang shake drill

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2016 - 06:37 AM

Shake Drill Road ClosuresSimula alas 6:00 ngayong umaga, isinara na ang ilang lansangan sa Guadalupe sa Makati City bilang paghahanda sa isasagawang shake drill.

Sarado na ang isang linya ng northbound lane ng Guadalupe Bridge up ramp patungong EDSA at ang northbound lane ng EDSA Guadalupe bridge. At mamayang alas 9:00 ng umaga ay dalawang linya na ang isasara.

Ang Guadalupe bridge kasi ang isa sa mga kailangang bantayan sakaling magkaroon ng malakas na lindol na tatama sa Metro Manila.

Ang mga motoristang apektado ay pinapayuhan na dumaan na lamang sa C5.

Narito ang listahan ng mga isasarang kalsada:

Mula sa MMDA
• Guadalupe Bridge up ramp to EDSA – Northbound (Closed 6 a.m. to 11 a.m.)
– Alternate routes: Affected vehicles are advised to take EDSA Southbound and U-turn at Buendia or Ayala Avenue to destination

• EDSA-Guadalupe Bridge – Northbound (Partially-closed 6 a.m. to 11 a.m.)
– Alternate route: Affected vehicles are advised to take C5 via Kalayaan Avenue and Mckinley Road

Mula sa Manila Police District Manila District Traffic Enforcement Unit
• Plaza San Lorenzo, Juan Luna Street, Binondo
• PAGCOR Corporate House, Roxas Boulevard, Service Road, Malate
• Diamond Hotel, J. Quintos Street, Malate
• Land Bank Building, J. Quintos Street, Malate
• Pan Pacific Hotel, Adriatico Street, Malate
• Magsaysay Center Building, J. Quintos Street, Malate
• Manila City Hall, A. Villegas Street, Ermita
• University of Santo Tomas, Sampaloc
• Baseco Compound, Ermita
• SM San Lazaro, Sampaloc

Samantala, ilan sa mga makikitang scenario sa shake drill mamaya ay ang mga aksidente sa kalsada, sunog, pagguho ng mga gusali, ilan lamang sa mga scenario sa gaganaping shake drill.

Hinati sa apat na quadrant ang Metro Manila para sa gagawing shake drill at bawat quadrant ay mayroong mga command center at mga evacuation center.

May mga scenario ng sunog, gumuhong gusali, aksidente sa kalsada partikular sa bahagi ng SLEX Nichols Toll Plaza.

May isang minuto rin na hihinto ang andar ng mga tren ng MRT at LRT.

Samantala, maagang nag-practice ang mga tauhan ng mmda kaninang, dahil sa ceremonial start ng shake drill ay magpapamalas sila ng sayaw, sa saliw ng “shake it groove thing”.

 

TAGS: Metro Manila shake drill, Metro Manila shake drill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.