Sinimulan na ng Office of the Vice President ang limang araw na relief operation para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Nagsimula ang relief operations noong Hunyo 20.
Nasa 5,390 na pamilya o 18,661 na indibidwal mula sa 25 na barangay ang nabigyan ng tulong.
Kabilang sa mga ipinamigay ang relief bags na naglalaman ng sleeping mats, kumot, kulambo, hygiene kits gaya ng alcohol, face masks at iba pang sanitary items.
Pansamantalang naninirahan ngayon ang mga apektadong residente sa 23 evacuation centers.
Nasa Alert Level 3 pa rin ngayon ang Bulkang Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.