Presidential ate, Sen. Imee sinabing hinog sa pilit ang MIF bill

By Jan Escosio June 23, 2023 - 02:16 PM

 

Inamin ni Senator Imee Marcos na sadya siyang nag-abstain sa botohan sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill dahil sa kanyang paniniwala na ito ay “hinog sa pilit.”

Pagbabahagi ng nakakatandang kapatid ni Pangulong Marcos Jr., marami siyang katanungan sa panukala at alam aniya ito ng Punong Ehekutibo.

“At tiyak alam din ng aking kapatid yan kaya ang sabi ko sa kanya parang nag-aalangan ako at hindi ako bumoto,” anang senadora.

Labing-siyam na senador ang sumang-ayon sa batas, bumoto naman ng “No” si Sen. Risa Hontiveros at nag-abstain si Sen. Nancy Binay.

“Alam naman ninyo na hindi ako nakilahok sa Maharlika Bill dahil tulad ng maraming Pilipino, marami akong pangamba dyan. Kasi sa tingin ko masyadong hinog sa pilit at marami akong hindi naintindihan at maraming higit pa duda at pangamba” sabi pa ng senadora.

Pirmado na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang panukala at dadalhin ito kay House Speaker Martin Romualdez para sa kanyang pirma bago ito dadalhin sa Malakanyang para pirmahan o i-veto naman ni Pangulong Marcos Jr.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Maharlika, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Maharlika, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.