Infra project ng DPWH pinabibilisan ni Pangulong Marcos sa
Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyakin na matatapos ang mga infrastructure program sa ilalim ng inilaang pondo.
Sa talumpati ng Pangulo sa 125th anibersaryo ng DPWH sa Port Area sa Manila, umaasa ang punong ehekutibo na gagawin ng ahensya ang 8-point socioeconomic agency sa pamamagitan ng pagtatayo ng infrastructure program ng naayon sa itinakdang deadline.
“In line with this, I urge you to continue streamlining your procedures, preventing delays and cause overruns and enforcing transparency measures in all government projects and transactions,” pahayag ng Pangulo.
Tiniyak ng Pangulo na suportado ng administrasyon ang DPWH para mapaganda ang burukrasya at makabili ng mga bagong teknolohiya.
Pinatitiyak din ng Pangulo sa DPWH ang inclusivity at accessibility sa mga disenyo ng mga proyekto.
Nasa 70,000 projects ang gagawing proyekto ng DPWH para sa taong ito kung saan nasa P890 bilyon ang inilaang pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.