Sen. Bong Go handang imbestigahan ang paghingi ng deposito ng mga ospital
Nagpahayag ng kanyang kahandaan si Senator Christopher Go na imbestigahan ang mga reklamo ng paghingi ng ilang ospital ng deposito sa pagtanggap ng pasyente.
Diin ni Go napakahalaga na nasusunod ang bawat probisyon ng Republic Act No. 10932, o ang Anti-Hospital Deposit Law, partikular na sa kasalakuyan na marami pa rin sa mga Filipino ang nahihirapan dahil sa epekto ng pandemya.
Aniya may mga reklamo siyang natanggap na may mga ospital na nagtataboy ng pasyente dahil walang pang-deposito.
Sinabi nito na bilang namumuno sa Senate Committee on Health handa siyang magpatawag ng pagdinig para malinawan ang isyu.
“’Wag nating dagdagan ang hirap ng ating mga kababayan. Bawal po ‘yun na hindi n’yo tanggapin, at pwede po kayong makasuhan. ng atin naman po rito ay huwag nating pahirapan ang mahihirap nating mga kababayan, lalo na po ang mga nagkakasakit at emergency cases. Wag n’yo pong tanggihan. Bigyan n’yo po ng palugit,” diin ng senador.
Nagbabala na agad si Go na ang mga ospital na hindi sisipot sa pagdinif sa kabila ng imbitasyon ay maaring ipa-subpoena at ma-contempt.
“Naiintindihan naman natin, binabalanse naman natin dahil negosyo n’yo po ‘yan. Yan po ang pagsuporta n’yo para tumakbo po ang inyong ospital. Ngunit tingnan n’yo naman po ng mabuti kung nasa panganib po ang buhay at kalusugan ng kapwa Pilipino. Huwag nating pahirapan, gamutin n’yo muna,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.