Walang volcanic earthquake na naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 339 na rockfall events at 13 dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.
Mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ang naging aktibidad ng bulkan.
Nasa 706 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 750 metrong taas na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran ang plume
Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.
MOST READ
LATEST STORIES