MMDA, umaasang mas marami ang lalahok sa Shake drill ngayong taon
Umaasa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na maraming makikilahok sa isasagawang metrowide earthquake drill ngayong umaga.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, sa kanilang pagtaya, posibleng umabot sa 14 na milyong residente at mga manggagawa sa Kalakhang Maynila ang sasali sa gagawing ehersisyo kung saan isi-simulate ang magiging reaksyon ng gobyerno sakaling may maganap na magnitude 7.2 na lindol.
Noong nakaraang taon aniya, umabot sa 6.5 milyon ang nag-participate sa shake drill.
Tulad aniya noong nakaraang 2015, sisimulan ang earthquake drill sa pamamagitan ng pag-aanunsyo sa mga himpilan ng radyo dakong alas 9:00 ng umaga.
Maging ang mga tren ng MRT at LRT ay inaasahang hihinto rin sa naturang oras.
Sa panahong ito, aabisuhan ang mga lalahok na isagawa ang ‘duck, cover and hold’ bago tuluyang lumikas sa kanilang mga kinalulugaran.
Ilan pang mga scenario ang isi-‘simulate’ ng MMDA at iba pang mga government agencies upang ipakita ang kahandaan ng mga ito sa pagtugon sa mga kalamidad na idudulot ng isang malakas na lindol sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.