Sa kabuuan, higit tatlong kilometro na mula sa bibig ng Bulkang Mayon ang haba ng inilalabas nitong nagbabagang putik.
Sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 2.5 kilometro ang haba ng mabagal na pagdaloy ng lava sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully.
Nakapagtala din ng dalawang volcanic earthquakes at 299 na rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current events sa bulkan.
Samantalang, nasa 507 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasukat naman sa 800 metro ang taas ng plume na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa gawing kanluran.
Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.