PBBM sinaksihan unang pagtuturok ng bivalent COVID 19 vaccines
By Chona Yu June 21, 2023 - 12:36 PM
Sinimulan na ng gobyerno ang pagturok ng bivalent COVID-19 vaccine sa bansa.
Sinaksihan ito mismo ni Pangulong Marcos Jr. sa Philippine Heart Center (PHC) sa Quezon City ngayong umaga.
Si Health Sec. Ted Herbosa ang unang recipient ng bivalent vaccine at 2,900 bivalent doses ang inilaan sa Philippine Heart Center.
Sinabi ni Herbosa, unang tuturukan ng bivalent vaccine ang mga health workers.
Nasa 390,000 doses ng bivalent ang ibinigay ng Lithuania sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.