Mataas na presyo ng sibuyas isinisi ni PBBM sa hoarders

By Chona Yu June 21, 2023 - 08:49 AM
Itinuro ni Pangulong Marcos Jr. ang mga hoarder na pangunahing dahilan ng mataas ng presyo ng sibuyas sa bansa. Katunayan sinabi ng Pangulo, hindi ipinagagamit ng mga sindikato  ang cold storage sa ibang negosyante. “I think maliwanag na maliwanag na sa ating lahat na ‘yung pagtaas ng presyo by 87 percent noong nakaraang Pebrero – Enero, Pebrero, walang dahilan ’yun. Kumpleto ang onion natin dito. Nagho-hoard lang talaga at iniipit ang presyo,” pahayag ng Pangulo. “Tapos ‘yung cold storage ay hindi pinapagamit sa iba para ‘yung kontrolado lang – ‘yung mga sindikato, ‘yung kontrolado lang nila na onion,  ‘yun lang ang puwedeng aabot sa palengke,” dagdag pa nito. Umabot ng hanggang P600 ang kada kilo ng sibuyas sa merkado.

TAGS: cartel, sibuyas, cartel, sibuyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.