6 Chinese, Pinoy huli sa nabuking na abortion clinic

By Jan Escosio June 21, 2023 - 05:30 AM
Arestado ang anim na Chinese citixzens at isang Filipino sa operasyon ng NCRPO -Regional Intelligence Division sa isang klinika sa Parañaque City . Sinabi ni NCRPO Chief Edgar Alan Okubo, noong Lunes nang isagawa ang buy-bust operation sa Barangay Tambo. Nakakuha sila ng impormasyon ukol sa ilegal na bentahan ng mga gamot para sa abortion at panggagamot sa klinika. Unang nagpanggap na bibili ng gamot ang isang police asset kayat pinapasok siya ng klinika at kasunod nito ang pagpasok ng mga operatiba. Nakuha sa klnika ang isang pakete ng Mifepristone Tablets 25mg,  isang pakete ng Cefixime Dispersible Tablets 100mg, isang pakete pack Golden Throat Lozenge, at Metronidazole tablets. Ang mga naaresto ay mahaharap sa mga kasong illegal practice of medicine alinsunod  sa Republic Act 2382 o Medical Act of 1959 at paglabag sa Food, Drug, and Cosmetic Act na kilala rin na Republic Act 3720. “

TAGS: abortion, buy bust, NCRPO, abortion, buy bust, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.