Swedish detainee, patay makaraang tumalon sa barko sa Cebu

By Jay Dones June 22, 2016 - 04:21 AM

 

handcuffsNasawi ang isang Swedish national na suspek sa kaso ng human trafficking sa lalawigan ng Cebu makaraang tumalon ito sa barkong magdadala sana sa kanya sa korte.

Sa ulat ng Cebu Coast Guard, nakilala ang nasawing detainee na si Walter Hauck, nasa edad sesenta na nahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Anti-Child Pornography Act.

Si Hauck ay nakakulong sa Bantayan District Jail at dadalhin sana sa korte sa Bogo City sa Cebu kaya’t isinakay ito sa barko kasama ang isa pang detainee at jail escort na si Jail Officer Efren Manzanares.

Gayunman, hindi pa man nakakalayo mula sa Sta. Fe port, nagpaalam umano itong magtutungo sa palikuran.

Dahil dito, tinanggal ni JO1 Manzanares ang posas ng suspek na nakakabit sa isa pang detainee.

Ngunit sa halip na magtungo sa palikuran ay mabilis itong tumakbo at tumalon sa dagat.

Gayunman, humampas ang ulo nito sa matigas na bahagi ng barko bago bumagsak sa tubig.

Tinangka pang sagipin ni JO1 Manzanares ang detainee sa pamamagitan ng pagtalon din sa tubig ngunit inabot pa ng ilang minuto bago niya ito naiahon sa dagat.

Pagdaong ng barko, isinugod pa sa Bantayan District Hospital si Hauck ngunit idineklara itong dead on arrival.

Iniimbestigahan na ng Bantayan District Jail ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.