Umapila si Senator Nancy Binay sa Department of Hna pag-aralan muna ng husto ang balak na pagkuha ng mga “board eligible” ngunit hindi pa lisensiyadong nurses.
Sinabi ni Binay na makakabuti kung aalamin ang posisyon sa isyu ng lahat ng kinauukulang sektor sa pamamagitan ng malawakang konsultasyon. Dagdag pa niya, dapat din munang mailatag ng kagawaran ang malinaw at konkretong programa sa mga ospital sa pagtugon sa kapakanan ng mga healthcare workers. Diin niya ang pinakamabuting gawin ay bigyan trabaho ang mga walang trabahong licensed nurses. Panahon na rin, dagdag pa ni Binay, na bigyan ng makatarungang suweldo, benepisyo at trabaho ang public nurses. Pagtitiyak niya ang suporta ng Senado para mapagbuti ang katayuan ng sektor ng pampublikong kalusugan sa bansa.MOST READ
LATEST STORIES