Herbosa: Trabaho sa may 70% – 74% grades sa Nursing board exam
Kahit 70% – 74% ang nakuhang grado sa Nursing Board Exam ay maari nang mag-trabaho sa healthcare system sa bansa.
Ito ang sinabi ni Health Sec. Teodoro Herbosa. “We will tap nurses who are board eligible. So, nakapasa, so hindi lahat ah. Siguro yung nakapasa…yung lumagpak na 70 to 74 ang marka ,” he said.“Agree na si Secretary Laguesma sa idea ko eh at kakausapin niya raw ang PRC para mabigyan ng temporary license itong kategorya ng nurses na ‘to,” dagdag pa ng kalihim.
Nilinaw niya limitadong responsibilidad lamang ang ibibigay sa mga hindi pa lisensisyadong nurses, bukod sa sasailalim muna sila sa accreditation at verification.
Ayon pa kay Herbosa bibigyan din sila ng panahon upang muling kumuha at maipasa ang board exam.
Ang plano, paliwanag ng kalihim, ay inisyatiba para sa kapakinabangan ng sistemang pangkalusugan sa bansa.
Nabanggit din ni Herbosa na kapag napunan na ang 4,500 bakanteng plantilla para sa government nurses ay ihihinto na ang naturang programa para sa “under board” nurses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.