Umabot sa 2.5 kilometro ang haba ng lava flow ng Bulkang Mayon sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 3.3 kilometro naman ang pagguho ng lava.
Sabi ng Phivolcs, isang volcanic earthquake at 301 na rockfall events at dalawang pyroclastic density current events ang naitala.
Nasa 389 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 800 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan na napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran.
Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.