Maulap na Metro Manila, ibang bahagi ng bansa ngayon araw
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Magiging maulap ngayon araw ang Metro Manila at ang kabuuan ng Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, maari din makaranas ng manakanakang pag-ulan at pagkulog- pagkidlat, bunga ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
At sa mga lugar na makakaranas ng malakas na pag-ulan, posible ang biglaang pagbaha, gayundin ang pagguho ng lupa.
Hanggang katamtaman naman ang bili ng hangin sa Luzon at Visayas sa direksyon ng Timog-silangan patungong Timog-kanluran.
Sa Mindanao, ang direksyon ng hangin ay Kanluran patungong Hilagang-kanluran at ito ay magiging hanggang katamtaman din ang bilis.