Mga bagong nahawa ng COVID 19 nabawasan – DOH

By Jan Escosio June 20, 2023 - 05:29 AM

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID 19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na pinakabagong case bulletin ng kagwaran, nooong Hunyo 12 hanggang Hunyo 18, nakapagtala ng karagdagang 4,281 COVID 19 cases.

Mababa ito ng 35 porsiyento kumpara sa bilang na naitala noong Hunyo 5 hanggang Hunyo 11.

Sa mga bagong kaso, 1.34 porsiyento na may katumbas na 57 ang napa-ulat na nasa kritikal na kalagayan.

Nadagdagan naman ng isa ang bilang ng mga nasawi sa sakit.

Sa kabuuan, may 346 sa 2,080  Intensive Care Units (ICU) ang okupado hanggang noong araw ng Linggo.

Samantala, may 17,647 naman na ang nasa non-ICU COVID 19 beds sa mga ospital sa bansa.

TAGS: COVID-19, critical, doh, icu, COVID-19, critical, doh, icu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.