Bentahan ng e-cigarettes, balak higpitan ng WHO

 

Pinagtutuunan na ng pansin ng World Health Organization (WHO) ang planong higpitan ang bentahan ng electronic cigarettes.

Ito ay dahil hindi naman talaga ito nakaktulong sa mga nais nang tumigil sa paninigarilyo, bagkus ay lalo pa nitong nae-engganyo ang ibang tao na manigarilyo.

Ayon kay WHO Country Representative Gundo Weiler, nagpapatuloy pa ang mga debate tungkol sa pinaka-epekto ng e-cigarettes sa kalusugan ng mga gumagamit nito.

Wala rin aniya silang inaasahang magandang epekto sa paggamit ng e-cigarettes dahil hindi naman ito alternatibo sa tobacco.

Bukod dito, isa pa sa mga panukala para mabawasan na ang paninigarilyo ay ang pagpapatupad ng ban sa mga advertisements ng sigarilyo.

Ang kawalan naman ng dokumentasyon ng mga masamang epekto sa kalusugan ng e-cigarettes ang siya ring dahilan kung bakit hindi rin mahigpitan ang bentahan at paggamit nito sa Pilipinas.

Read more...