Bank manager binatikos sa China dahil sa pananakit sa kanyang mga empleyado

By Kathleen Betina Aenlle June 22, 2016 - 04:13 AM

 

Mula sa Google

Maraming netizens ang nagalit sa kumakalat na video sa internet kung saan makikita ang isang bank manager na pinagpapalo ang kaniyang mga empleyado sa Changzi province sa China.

Sa video na may habang isang minuto na ipinost ng People’s China Daily sa kanilang Facebook page, ipinakita ang walong empleyado na nasa isang entablado, na pinagagalitan at pinagpapalo ng kanilang manager dahil sa umano’y “poor performance” ng mga ito.

Pagalit na sinabi ng manager sa mga good-performing niyang empleyado na nakaupo at nanonood, na ipaliwanag sa mga empleyadong nasa entablado kung bakit sila pumapalpak sa kanilang trabaho.

Matapos niyang sermonan ang mga empleyadong ito, isa-isa niyang pinagpapalo ang mga ito gamit ang kahoy na ruler.

Hindi bababa sa apat na beses silang pinalo ng kanilang manager.

Mula nang mai-upload ang nasabing video, umani na ito ng batikos at galit mula sa mga netizens partikular na sa mga hindi Chinese.

Kilala ang China sa kanilang mababang pasahod, kakulangan sa health benefits at mababang labor standards.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.