Hukom sa drug case ni ex-Sen. de Lima bumitaw

By Jan Escosio June 16, 2023 - 03:13 PM

 

Nag-inhibit na ang hukom sa Muntinlupa City na dumidinig sa natitirang drug case ni dating Senator Leila de Lima.

Ang pag-inhibit ni Judge Romeo Buenaventura, ng RTC Branch 256, ay base sa inihain na motion for inhibition ng tatlo pang akusado sa kaso na sina Joebel Sanchez, Ronnie Dayan at dating Bureau of Corrections Chief Franklin Bucayu.

Binanggit ni Sanchez na itinago ng hukom na kapatid niya ang abogado na tumulong sa paggawa ng sinumpaang-salaysay ni Dayan.

Nabunyag din na ang kapatid ni Buenaventura na si Atty. Emmanuel Buenaventura ay nagtrabaho bilang legal adviser ni dating Rep. Reynaldo Umali, na namuno sa House Committtee on Justice, sa kasagsagan ng pagdinig sa Kamara ukol sa kontrobersiya.

Kinumpirma ni Dayan ang katuwiran ni Sanchez sa kanyang mosyon.

Samantalang, sinabi naman ni Bucayu na may kinilingan ang hukom kayat pinagdududahan kung naging patas ang huli sa pagbasura ng kanyang mga mosyon, kabilang na ang nais niyang makapagpiyansa.

TAGS: drug case, inhibit, Judge, leila de lima, news, Radyo Inquirer, drug case, inhibit, Judge, leila de lima, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.