Bukod sa walang nasawi, napakaliit lamang ng pinsala sa mga imprastraktura ang idinulot ng magnitude 6.3 earthquake kahapon, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Ngunit isang babae ang nasaktan nang madulas ito sa paglikas sa Laguna Senior High School sa Sta. Cruz, Laguna sabi ni OCD deputy spokesman Diego Mariano.
Aniya ang tanging natanggap nila ay maliliit a crack at pagbagsak ng kisame, na aniya ay pawang nangyayari sa tuwing may lindol.
May apat na imprastraktura sa Batangas at Laguna ang nagkaroon ng maliliit na pinsala.
Nakumpirma din na nagkaroon ng mga maliliit na bitak sa MRT Boni at Ayala Stations, na hindi naman dapat ikabahala.
Bumagsak ang isang poste ng kuryente sa Barangay Sinturisan sa San Antonio, Quezon Province.
Pagtitiyak ni Mariano na magpapatuloy ang kanilang monitoring habang nagpapatuloy pa ang pagdating ng mga ulat.