China nagbigay ng 20,000 metrikong tonelada ng urea fertilizer sa Pilipinas

(Photo:PPA)

Aabot sa 20,000 metrikong tonelada o 400,000 libong sako ng urea fertilizer o abono ang ibinigay ng China sa Pilipinas.

Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang nagbigay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa  donasyon na abono sa Malanday, Valenzuela City.

Sabi ni Pangulo Marcos, ang gawaing ito ng China ay pagpapatunay na kailangang alagaan ang ugnayan ng bansa sa China.

Isa aniyang maasahang partner ng Pilipinas ang China.

“This donation that came from China was a product of our request from all our friends around the world during the crisis when fertilizer — well, what we are still feeling now when fertilizer prices went up and the availability was also because of the supply chain problems that we are experiencing with our usual suppliers and China did not think twice and immediately came up,” pahayag ng Pangulo.

Pagtitiyak pa ng Pangulo, lalo pang palalakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa China

Magiging sistema ng pamamahagi ng abono ang voucher system na una nang ipinatutupad ng pamahalaan.

Unang bibigyan aniya ang mga magsasaka na nasa Luzon.

Nasa 160,000 na rice at corn farmers sa Regions 1,2,3, 4a at Bicol region ang makatatanggap ng abono.

Sakop nito ang 200,000 ektaryang sakahan kung ibabase sa dalawang sako ng abono kada ektarya.

Read more...