Pangulong Marcos hindi muna aalis bilang Agriculture Secretary

(Photo: PPA)

 

Wala pang balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lisanin ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Malanday, Valenzuela City, sinabi nito na pagtiyagaan na muna siya sa DA hangga’t hindi naayos ang sistema.

“Tinatanong ko sa kanilang lahat, inaatay ko mag-volunteer sila mag-secretary, ayaw akong paalisin eh. So hangga’t matapos where we have, you know the truth of the matter is is that we have really managed to make some very important structural changes in the DA so iniisa isa natin ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

“The problem had been was during the beginning of this year naging crisis lahat ng food supply, food prices , lahat, fertilizer prices, etcetera kaya  napakalaking bagay itong donation na binigay sa atin ng China at ‘yun we were just trying to put up emergency measures para naman mabigyan natin ng kaunting tulong at suporta ang ating mga magsasaka,” pahayag ng Pangulo.

Hinawakan na ni Pangulong Marcos ang pagiging kalihim ng DA simula nang maupo sa puwesto noonng Hunyo ng nakaraang taon.

“Ngayon na , more or less the prices of agricultural commodities are beginning to stabilize. Now we are going to make the structural changes that are important to increase production, to ensure the food supply of the Philippines not only rice, but also corn, also fisheries, also livestock so ‘yan ang ating mga ginagawa ngayon para naman hindi tayo umabot ng crisis ng sitwasyon kagaya ng nadatnan natin after the pandemic,” pahayag ng Pangulo.

“Kaya’t ang aking hangarin para sa DA ay pag-iniwanan ko ang DA by that time we will have systems in place so that we can guarantee the food supply of the Philippines number 1, we can guarantee that the prices are affordable and number 3 hat our farmers make a good living. So hangga’t matapos natin ‘yun I suppose you will just have to put up with me as the DA secretary,” pahayag ng Pangulo.

 

 

Read more...