Pope Francis inaasahang lalabas na ng ospital matapos ang operasyon

By Jan Escosio June 16, 2023 - 08:50 AM
Maaring lumabas na ngayon araw si Pope Francis matapos sumailalim sa abdominal surgery noong nakaraang linggo, ayon sa inilabas na pahayag ng Vatican. Kahapon ng umaga, pinasalamatan ng 86-anyos na Santo Papa ang mga doktor at medical staff ng Gemelli Hospital sa Rome na nag-alaga sa kanya.   Sakay ng wheelchair, binisita ni Pope Francis ang mga batang pasyente sa Pediatric Oncology at Child Neurosurgery Departments ng ospital.   Magugunita na tatlong oras ang itinagal ng operasyon sa Santo Papa noong Hunyo 7.   Magugunita na noong 2021 sumailalim na siya sa colon surgery.   Hanggang sa Hunyo 18, araw ng Linggo, ay kanselado ang “papal audiences” para mabigyan ng panahon ang Santo Papa na magpalakas.

TAGS: colon, news, operasyon, pope francis, Radyo Inquirer, colon, news, operasyon, pope francis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.