4.2 milyon nagparehistro sa DepEd Early Registration, papasok sa Kinder dumami
Halos 4.2 milyon na ang nagpa-rehistro para sa pagpasok sa Kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa Early Registration ng Department of Education (DepEd) para sa School Year 2023 – 2024. Hanggang noong Hunyo 13,may 4,198,932 na ang nagparehistro at ito ay mas mataas sa naitalang 4,129,561 sa katulad na panahon noong naaraang taon. Sa naturang bilang, 970,190 ang papasok sa Kindergarten at mataas din ito sa maagang nagpa-rehistro noong 2022 sa bilang na 900,698. Bumaba naman ang bilang ng nagpa-rehistro sa Grade 1 sa 1,392,698 kumpara sa 1,399,667 noong nakaraang taon. Nabawasan din ang mga papasok na Grade 7 learners sa 971,149 kumpara sa 983,987 noong 2022. Ikinasa ng kagawaran ang Early Registration noong Mayo 10 hanggang nitong Hunyo 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.