Sen. Raffy Tulfo gustong madagdagan ang pondo ng DMW at OWWA

By Jan Escosio June 16, 2023 - 08:32 AM
Nangako si Senator Raffy Tulfo na isusulong ang dagdag na pondo para sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa.   Bukod dito, nangako rin si Tulfo na patuloy na ipaglalaban ang pagsasabatas ng Magna Carta of Seafarers na ngayon ay nasa 2nd reading na sa Senado.   Ang mga ito ay ipinangako ni Tulfo nang bisitahin ang OFWs sa Dubai kasama sina DMW Undersecretary Hans Cacdac, OWWA Administrator Arnel Ignacio, Ambassador Ferdinand Ver, at Philippine Consul General Renato Duenas Jr.   Kasama ni Tulfo ang ilang mga OFW na naging negosyante sa Dubai sa pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day at dumalo rin bilang panauhing pandangal sa isang basketball competition.   Binisita rin ng senador ang Migrant Workers Repatriation Center kung saan naabutan niya ang ilang OFW na nasa shelter at sumasailalim sa jewelry making bilang skills training na binibigay ng OWWA bilang paghahanda sa pagbalik sa Pilipinas.   Inirekomenda naman ng senador ang paglalagay ng dressing room at sariling locker ng bawat OFW sa shelter upang magkaroon ng privacy at ipinatatanggal ang CCTV sa isang sulok  ng isolation room bukod pa sa pagdaragdag ng cooling fan sa dining area dahil sa sobrang init bukod sa karagdagang toilet at shower area.   Pagdidiin ni Tulfo ang mga OFW na napunta sa shelter ay nakaranas ng matinding krisis tulad ng pagmamalupit  at pananakit kaya nararapat lamang na sila ay maalagaan ng maayos at mabigyan ng komportableng pansamantalang tahanan.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, seafarer, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, seafarer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.