Mag-anak minasaker sa Negros Occidental

By Jan Escosio June 16, 2023 - 08:09 AM
Pinagbabaril ang isang magsasaka, gayundin ang kanyang misis at dalawa nilang anak sa Himamaylan City, Negros Occidental, Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Rolly Fausto, 52; ang kanyang misis na si Emilda, 49 at anak nilang edad 15 at 11. Sinabi ni Police LCol. Reynante Jomocan, hepe ng pulisya sa lungsod, ang masaker ay iniulat sa pulisya ng nakaligtas na anak na babae ng mag-asawang Fausto. Nabatid na pinasok ang mga biktima sa kanilang bahay sa Barangay Buenavista bago pinagbabaril. Si Emilda at ang dalawang anak ay natagpuan sa kanilang bahay, samantalang si Rolly naman ay nakita ilang metro ang layo. Ayon pa kay Jomocan may mga kaanak ang mga biktima na mga rebeldeng-komunista at isa ito sa mga tinitingnan ng mga imbestigador.

TAGS: magsasaka, masaker, Negros Occidental, news, patay, Radyo Inquirer, magsasaka, masaker, Negros Occidental, news, patay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.