Tinanggap na ni Gina Lopez ang alok sa kanya ni incoming President Rodrigo Duterte na pamunuan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nauna nang sinabi ni Lopez na kailangan muna niyang kunsultahin ang kanyang pamilya tungkol sa nasabing alok sa kanya ni Duterte.
Si Lopez ay kilalang environmentalist na nasa likod ng iba’t ibang mga proyekto na may kinalaman sa pagsasa-ayos ng ating kapaligiran.
Mula sa pamilya Lopez ng ABS-CBN, si Gina ang kasalukuyang pinuno ng Lingkod Kapamilya Foundation.
Kamakalawa ay nag-usap sina Lopez at Duterte at sa nasabing pulong inialok sa kanya ng incoming president ang posisyon sa pamahalaan.
Sa kanyang pagharap sa mga business leaders sa Davao City kanina, sinabi ni Duterte na gusto niyang tutukan ng DENR ang pagsasa-ayos sa mga likas na yaman na sinira ng ilang mining firms.
Sinabi rin ni Digong na magiging mahigpit ang kanyang pamahalaan sa pagbibigay ng permit sa mining industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.