Road accidents, traffic violations dumami sa pagsuspindi sa NCAP
Tumaas ang bilang ng mga naitalag aksidente sa lansangan matapos suspindihin ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Don Artes tumaas din ang bilang ng mga nahuling lumabag sa mga batas-trapiko nang itigil ang pagpapatupad ng NCAP.
Pagbabahagi ni Artes, noong lamang nakaraang buwan, 32,739 traffic violations ang naitala sa Metro Manila.
Sa bilang naman ng mga aksidente, naobserbahan nila na ang pagtaas ng bilang ay nagsimula sa huling tatlong buwan ng 2022.
Kasunod ito nang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa NCAP noong buwan ng Agosto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.