Walang naidulot na pinsala ng Magnitude 6.3 earthquake na nagpagimbal sa maraming lugar, kasama na ang Metro Manila, sa mga paliparan sa Luzon.
Ito ang ibinahagi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang masusing pagsusuri sa mga paliparan.
Kabilang sa mga nasuri ay ang San Jose at Calapan airports, Jomalig Airport, Lubang Airport, Mamburao Airport, Pinamalayan Airport, Sangley Airport at Subic Airport.
Ngunit nanatili ang CAAP sa “standby status” dahil nagbabala ang Phivolcs ng aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES