Sapat na pondo para sa Mayon evacuees tiniyak ni Pangulong Marcos

By Chona Yu June 15, 2023 - 02:30 PM

 

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. na sapat ang pondo ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Tugon ito ni Pangulong Marcos sa pahayag ng Albay Governor Grex Lagman na kailangan ang P166.7 milyong pondo para asustentuhan ang 90 araw ang mga Mayon evacuees.

“Whatever is needed, we will have to provide. Hindi naman… Marami naman tumutulong, marami namang ahensya. All agencies are already engaged in the rehabilitation effort, in the support for the evacuees,” pahayag ng Pangulo.

Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na pag-aralan ang pamimigay ng ayuda.

“I think in terms of the actual na gastos na ano, palagay ko, alam ko naman may budget tayo diyan, pero ang instruction ko sa kanila, pag-aralan ninyo ng mabuti, hindi ‘yung basta kayo bigay nang bigay ng pera, kailangan tingnan ninyo ano ba ang problema para maayos natin kung ano ang problema nila,” pahayag ni Pangulong Marcos.

 

TAGS: Bulkang Mayon, evacuees, Ferdinand Marcos Jr., news, pondo, Radyo Inquirer, Bulkang Mayon, evacuees, Ferdinand Marcos Jr., news, pondo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.