Pilipinas makikipagsabayan na sa exportation
By: Chona Yu
- 2 years ago
Makikipagsabayan na ang Pilipinas sa mga kapit bahay na bansa sa Asya sa pag-export ng mga produktong gawa ng mga Filipino.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa launching Philippine Export Development Plan sa Taguig City, sinabi ng punong ehekutibo na kailangan nang baguhin ang laro para makaangat ang Pilipinas.
Hindi lang aniya pag-export ang palalakasin ng Pilipinas kundi maging ang pag-import.
“So it’s not one way it’s trade, and that is the most important thing but what we have to do so to allow ourselves the restructuring of some of the elements within the law, that are within the rules so that we can compete on an even basis kayat pinag-aaralan natin lagi kung ano ang mga ginagawa ng ibang bansa na successful sa kanilang trade agreements, sa kanilang mga export,” pahayag ng Pangulo.
“Ang pinakamagaling sa ngayon ay nandito sa Asya, yan ang kakumpetensya natin that’s why we have to bring up our game, export game a little bit and support our exporters so that they can compete in foreign markets and that they are able to be not only suppliers but also industrial consumers of the products that are around the world, in other words to strengthen trade, ” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, marami ng market na pinasok ang Pilipinas para mag export.
Katunayan, malapit na aniyang napirmahan ang kasunduan sa Korea habang inaayos pa sa Amerika.