Nasawi ang dalawang pulis at apat iba pa ang nasugatan sa pananambang ng isang grupo ng mga armadong lalaki sa Shariff Aguak, Maguindanao kagabi.
Kinilala ang mga nasawi na si Pat. Saipoden Shiek Macacuna at Pat. Bryan Polayagan, kapwa nakatalaga saProvincial Mobile Force Company ng Maguindanao Police Provincial Office.
Samantala, ang mga sugatang pulis naman ay sina Chief Master Sgt. Vincent Gertos, Staff Sgt. Benjie delos Reyes, Pat. Arjie Val Louie Pabinguit at Pat. Abdulgafor Alib.
Sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., nagpapatrulya ang mga biktima sa Barangay Poblacion alas-8:30 nang sila ay tambangan.
Aniya agad niyang ipinag-utos ang agresibong pagtugis sa mga salarin, na hinihinalang mga lokal na terorista.
“The men and women of the Philippine National Police show grief over the untimely passing of our two non-police commissioned officers and wounding of four others in an ambush staged by still unknown assailants. We assure that the PNP will do everything within its power and authority to serve the ends of justice,” ayon sa hepe ng pambansang pulisya.