Pagdami ng illegal online lending schemes nais paimbestigahan ni Villanueva

By Jan Escosio June 15, 2023 - 09:51 AM

Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maimbestigahan sa Senado ang dumaraming unauthorized at unregistered online lending platforms sa bansa na nakapambibiktima ng maraming Filipino.

Paliwanag ni Villanueva sa  kanyang Senate Resolution No. 641, sa pagtaas ng mga lending transactions sa pamamagitan ng digital platforms, dumarami rin ang abusadong polisiya sa pangongolekta at paniningil ng mga utang.   Dapat aniyang matuldukan na ang hindi makatao at unethical practice ng paniningil at tiyakin ang proteksyon sa mga Pilipino.   Dagdag ng senador kailangang bumalangkas ng mga hakbangin para matiyak na sa mga rehistrado at awtorisadong online lending companies lamang nakikipagtransaksyon ang mga consumer para na rin sa proteksyon sa kanilang interes at kapakanan ng nakararami.   Una nang binawi ng Securities and Exchange Commission ang Certificates of Registration ng 2,084 lending at financing companies na hindi nakakuha ng Certificates of Authority (CA) habang 39 na financing at lending companies ang kinansela ang CA dahil sa iba’t ibang paglabag.   Kabilang sa paglabag ang hindi makatarungan pagtataas ng interest rates at iba pang dagdag singilin dahil sa hindi pagbabayad sa takdang panahon.   Ilang kolektor pa ang inirereklamo dahil sa harassment sa mga may utang.   Pinasisilip din ni Villanueva sa Senado ang mga ulat na ilang lending platforms ang sangkot sa irresponsible data harvesting na paglabag sa right to privacy at safe and secure transactions.

TAGS: lending, online, lending, online

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.