PDEA no comment at hindi demoralisado sa pagbasura sa kaso ni Col. Marcelino

By Jan Escosio June 21, 2016 - 07:48 PM

Marcelino Pdea
Inquirer file photo

Wala pang maibigay na pahayag ang Philippine drug enforcement Agency (PDEA) ukol sa pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa drug cases ni Marine Col. Ferdinand Marcelino.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Glenn Mapalad, tagapagsalita ngPDEA, sinabi nito na idudulog muna nila sa kanilang legal affairs ang isyu para sa kanilang komento.

Dagdag pa ng opisyal wala pa rin naman silang kopya ng desisyon ng Department of Justice at nalaman lang niya ang pangyayari sa Radyo Inquirer.

Magugunitang na may ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang payagan si Marcelino na makapagpiyansa ng isang korte sa Quezon City dahil sa walang matibay na ebidensiya laban dito.

Kasunod nito ay nakalabas na mula sa  PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos magpiyansa si Marcelino sa pamamagitan ng surety bond.

TAGS: Illegal Drugs, Marcelino, PDEA, Illegal Drugs, Marcelino, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.