Pag-aaral ituloy kahit sa evacuation centers – Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu June 15, 2023 - 09:35 AM

PCO PHOTO

Ipinagbili ni Pangulong  Marcos Jr. sa mga estudyante  na apektado ng pag-aalburuto ng Mayon Volcano na ituloy ang pag-aaral kahit sila ay  nasa mga evacuation centers.

Sa situation briefing sa Albay Astrodome, sinabi ng Pangulo na mas makabubuti kung mayroong pinagkakaabalahan ang mga bata habang pansamantalang sumisilong sa mga evacuation centers.

“Isipin natin ‘yung mga bata. What can we do with them? Maybe DepEd can help us, maybe the NGOs can help us. So that active naman sila doon at hindi lang nag-aantay ng araw-araw na walang ginagawa. That is not a small issue,” sabi ng Pangulo.

Ayon naman kay Regional Dir. Gilbert Sadsad, DepEd-Region 5, may bagong sistema na ipatutuapd ang kanilang hanay, kung saan  mag-aaral sa umaga ang mga  estudyante na nag-aaral sa mga eskuwelahan na ginawang evacuation centers, habang sa hapon naman evacuees.

At ang iba ay bibigyan ng edukasyon sa pamamagitan ng modular distance learning.

Maglalagay din aniya sila ng pansamantalang learning spaces sa mga evacuation centers katuwang ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Habang naka break aniya ang mga estudyante sa buwan ng Hulyo, sinabi ni Sadsad na magtatayo sila ng learning camp.

TAGS: deped, evacuees, mayon, deped, evacuees, mayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.