TRO,TRB na lang ang pipigil sa NLEX toll hike – Win

By Jan Escosio June 15, 2023 - 05:55 AM

INQUIRER PHOTO
Wala nang makakapigil sa pagtaas ng singil sa paggamit sa North Luzon Expressway (NLEX) kundi temporary restraining order (TRO) mula sa Korte, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian. Sinabi pa  nito, na tanging ang Toll Regulatory Board (TRB) ang maaring pumigil sa inaprubahan nitong “toll hike.” Paalala ng senador. mandato ng TRB na mandato nito na mandato nito na protektahan ang interes ng mga motorista. Dagdag ni Gatchalian, araw-araw ay dumadaan siya sa NLEX kayat naiintindihan niya ang posisyon ng mga kontra at kumukuwestiyon sa taas-singil. Makakabuti aniya kung magkakaroon muna ng “performance evaluation” sa NLEX para may pagbasehan ng karagdagang bayad, na magsisimula ngayon araw. Para kay Gatchalian, kailangan na ayusin muna ng toll operator ang kanilang mga sistema dahil ito ang nagdudulot ng trapiko, partikular na ang mga aberya sa kanilang toll collection system.

TAGS: NLEX, toll hike, traffic, trb, tro, NLEX, toll hike, traffic, trb, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.