Napatay ng mga puwersa ng gobyerno ang isang lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Ungkaya Pukan, Basilan kagabi.
Ayon kay Basilan police director, Col. Carlos Madronio, alas-10 ng gabi nang mapatay si Nurudin Muddalan sa Sitio Klaang, Barangay Amaloy.
Aniya isisilbi kay Muddalan ang isang warrant of arrest nang paputukan niya ang mga pulis.
Sa pagganti ng mga pulis ng putok ay napatay nila ang pinuno ng teroristang grupo.
Isa si Muddalan sa mga tagasunod ni ASG leader Furuji Indama, na napatay noong 2020 at pinamunuan na niya ang mga terorista sa Basilan.
Kabilang ang napatay sa mga nanambang sa sundalo sa Al-Barka noong Hunyo 25, 2022.
Kasama din si Muddalan sa mga pumatay ng 15 sundalo sa bayan ng Tipo-Tipo noong 2007 at 2008 naman ng lusubin nila ang isang kampo ng Philippine Marine sa nasabi din bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.