Cash aid, relief goods mula kay Speaker Romualdez sa Mayon victims, Albay solons nagpasalamat
Nabiyayaan ng tig-P5,000 mula kay House Speaker Martin Romualdez ang 869 pamilya sa bayan ng Guinobatan at Ligao City sa Albay na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Albay Rep. Fernando Cabredo mula sa special fund ng Office of the House Speaker ang ipinamahagi sa mga biktima.Pagbabahagi ni Cabredo, P2,000 bawat isa ang kanyang inihirit ngunit ginawa itong P5,000 si Romualdez, matapos niyang ibahagi ang kalagayan ng mga apektadong resident ng dalawang lugar.
Unang inanunsiyo ng opisina ni Romualdez at ng Tingog Party-list ang pagkakaloob ng P33 milyong halaga ng tulong para sa mga apektadong residente ng unang tatlong distrito ng Albay, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“I have already requested for DOLE-TUPAD (Department of Labor and Employment-Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) support from Speaker Romualdez, who has assured us that he will do whatever he can to provide what Albay needs to endure this situation,” ani Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.
Una nang pinasalamatan si Romualdez ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa agarang pagbibigay tulong sa mga lumikas mula sa kanyang distrito dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Base sa impormasyon mula pa rin sa opisina ni Romualdez, nakapagpalabas na ng 1,420 relief packs para sa distrito nina Lagman at Salceda at isusunod na ang distrito ni Cabredo.
Aabot sa P1 milyon halaga ng assistance package ang ipinaabot ng opisina ni Romualdez at Tingog Party-list bukod pa sa P10 million payouts sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.