Hunyo 28 idineklarang regular holiday sa paggunita ng Eid’l Adha
By Chona Yu June 14, 2023 - 05:51 PM
Idineklarang regular holiday sa buong bansa ang Hunyo 28 para sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.
Nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin para kay Pangulong Marcos Jr. ang Proclamation No. 258 noong Hunyo 13. Base sa Proclamasyon, inirekomenda ng Commission on Commission on Muslim Filipinos na maideklarang national holiday ang Hunyo 28 alinsunod sa 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar. Ikinukunsiderang mas banal ang Eid’l Adha kumpara sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan. Ang dalawang okasyon ang dalawang Islamic holidays na isineselebra kada taon.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.