Sa kabila nang pagtindi ng mga aktibidad sa nag-aalburutong Bulkang Mayon, nanatiling normal ang operasyon ng National Grid Corporation (NGCP) sa Albay.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Engr. Redi Allan Remoroza, assistant vice president ng NGCP at namumuno sa Transmission Planning Department, wala pa silang apektadong pasilidad. Maayos pa rin naman aniya ang mga transmission facility kung kaya walang dahilan na magsagawa ng preemptive shutdown. Ayon naman NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, sakaling lumala ang sitwasyon sa Albay, localized facility shutdown lamang ang kanilang ipatutupad. Kailangan kasi aniyang tiyakin na may sapat na suplay ng kuryente sa mga evacuation centers, mga ospital at iba pang pasilidad. Kung magpapatupad man aniya ng shutdown, ilang oras lamang ito at hindi abutin ng araw dahil kailangan lamang na linisin ang mga pasilidad.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.