Mga aktibidad sa Bulkang Mayon nadagdagan – Phivolcs

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng pitong volcanic earthquakes at 309 rockfall events.

Ang mga bilang ay higit sa naitala ng ahensiya noong Lunes, na isang volcanic quake at 221 rockfall events.

“Thin ash from the rockfalls and continuous moderate degassing from the summit crater produced steam-laden plumes that bent and crept downslope before drifting general east,”  ayon sa 8am bulletin ng Phivolcs ngayon araw.

Ibinahagi din ang mahinang paglabas ng lava mula sa bibig ng bulkan at dumadaloy ito  sa Mi-isi and Bonga gullies sa distansiyang isang kilometro.

Nakapagtala din ang Phivolcs ng pitong “four-minute-long dome-collapse pyroclastic density current (PDC).” was detected via seismic signals as well as visually observed.

Naobserbahan din ang patuloy na pagbabaga ng bibig ng bulkan.

Read more...