CGMA mangunguna sa legislated emergency powers para kay Duterte

By Isa Avendaño-Umali June 21, 2016 - 04:55 PM

Gloria2
Inquirer file photo

Nakatakdang maghain si reelected Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng isang panukala sa pagbubukas ng 17th Congress para mabigyan ng Kongreso ng emergency powers si President-elect Rodrigo Duterte para sa problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa dating pangulo, sang-ayon siya na mabigyan ng karagdagang kapangyarihan si Duterte para maresolba na ang malalang suliranin sa trapiko.

Paliwanag ni Arroyo, sa pamamagitan ng emergency powers ay magagawa ng gobyerno na mapabilis ang mga ginagawang infrastructure projects at mga traffic reduction measures para matamo ang annual growth rate target na 7 percent.

Kapag naaprubahan ng Kamara ang kanyang panukala, sinabi ni CGMA na papayagan si Duterte na makipag-negotiate ng kontrata para sa construction, repair, rehabilitation, improvement o maintenance ng mga kinakailangang infrastructure, projects at facilities.

Magagawa rin nitong maisailalim sa reorganisasyon ang Metro Manila Development Authority o MMDA upang maging mas epektibo, innovative at responsive ang ahensya sa pagharap sa traffic crisis sa Metro Manila.

Dagdag ni Arroyo na ang emergency powers na ipagkakaloob kay Duterte ay epektibo lamang sa loob ng dalawang taon.

Bubuo naman ang Senado at Kongreso ng isang oversight committee na magmomonitor sa implementasyon ng naturang karagdagang kapangyarihan.

TAGS: Arroyo, CGMA, duterte, emergency powers, traffic, Arroyo, CGMA, duterte, emergency powers, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.