Limamput-pitong 57 magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental ang nabigyan ng certificate of land ownership award (CLOA).
Ayon kay Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III, alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr., na bigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupang pinagtataniman.
Sinabi naman ni Municipal Agrarian Reform Program Officer Ramon Silvino, 21 ektarya ng lupain ang ipinamahagi sa mga kuwalipikadong ARB na maraming taon nang nagbubungkal sa lupain .
“Ngayon ay hawak na ninyo ang katunayan na kayo ang nagmamay-ari sa lupang tinatamnan ninyo sa loob ng maraming taon. Sana ang lupaing ito ay magbigay sa inyo ng magandang pamumuhay bilang may-ari ng lupa. Magkaroon sana kayo ng mabungang pag-aani,” ani Silvino.
Paalala ni Silvino, kailangan nilang magbayad ng buwis dito at iwasang madamay sa mga ilegal na aktibidad na maaaring mag diskuwalipika sa kanila bilang benepisyaryo sa lupain.
Ang naipamahaging lupain ay dating pinamamahalaan ni Nonata Jesena, na may Title Number T-250102, at Lot No. 8, na sumasakop sa 21. 3662 ektarya, na matatagpuan sa Barangay Andres Bonifacio, Sagay City.