Envirosafe Tour ikinasa ng MPTC – South sa CALAX

By Jan Escosio June 14, 2023 - 07:31 AM

MPT SOUTH PHOTO

Binuhay ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang kanilang “Envirosafe Tour,” isang paraan upang maipakita ang mga hakbang para sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Sa pakikipag-ugnayan sa Acienda Designer Outlet at Henry’s Cameras, isinagawa ng MPT-South ang isang exclusive tour sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), maging sa bubuksan na Silang (Aguinaldo) Interchange o Subsection 4.

Ipinagmalaki ng tollway operator ang kanilang “green technology” sa pamamagitan ng paggamit ng energy-efficient equipment tulad ng  solar panels at LED fixtures.

Bukod pa dito, patuloy din ang pagtatanim ng mga puno at paglikha ng “biodiverse areas” sa kahabaan ng CALAX.

Samantala, kapag nabuksan na ang Section 4, napakahalaga nito at malaking ginhawa sa mga motorista dahil kokonekta ito sa Aguinaldo Highway kayat mapapabilis ang biyahe patungo sa bayan ng Silang at Tagaytay City.

Bahagi din ang “Envirosafe Tour,” ang pagsuporta sa mga lokal na produkto sa pamamagitan ng pamamahagi sa mga bisita ng mga lokal na produkto ng mga maliliit na negosyo gaya ng  crispy mushroom chips, kapeng bigas at plant-based fries, bukod pa sa handcrafted handbags na nalikha mula sa recycled tarpaulins.

TAGS: CALAX, Energy, Silang, tagaytay city, technology, CALAX, Energy, Silang, tagaytay city, technology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.