OTT scam lumalaganap, Globe nagbabala sa subscribers

By Jan Escosio June 13, 2023 - 07:05 PM

Binalaan ng Globe ang kanilang subscribers ukol sa dumaraming spam at scam messages gamit ang over-the-top (OTT) media services, na labas sa sakop  ng telco filters.

Bagama’t nabawasan na ang scam messages magmula nang ipatupad ang SIM Registration Act, ang mga fraudster ay patuloy na naghahanap ng mga bagong paraan para ikasa ang phishing modus, tulad ng paggamit ng OTT platforms tulad ng chat apps para makaiwas sa telco filters.

Ang mga fraudster ay ginagamit kapwa ang overseas at local numbers at karamihan ay lumilitaw na business accounts na may attractive profile photos para makapanlinlang ng mga tao.

Sa kanilang pinakahuling modus , ginagamit ng cybercriminals ang full name ng target at nagkukunwaring nagpapadala ng mensahe sa ‘missed connection’ o nag-aalok ng kung ano-ano, na lumilikha ng lumikha ng ‘sense of familiarity and trust’ sa pagtatangkang makapagsimula ng chat.

Ayon kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer ng Globe, sinasamantala ng mga scammer na ito ang dumaraming lumilipat sa digital lifestyle at pinayuhan ang mga consumer na higit na maging proactive.

“Embracing the digital world comes with its own set of risks, so we must remain vigilant in safeguarding our online presence. As technology advances, so do the tactics of fraudsters and scammers. The best way to combat this is to never engage with these messages and to block such senders immediately,” aniya.

Dahil ang OTT messages ay hindi na saklaw ng telcos, binigyang-diin ni Bonifacio na ang kamalayan ay nananatiling first line of defense ng mga customer.

“By staying informed and adopting personal security measures, we can navigate the digital landscape with confidence and protect ourselves from evolving cyber threats,” dagdag pa niya.

Samantala, patuloy na hinaharang ng Globe ang unwanted SMS, kabilang ang app-to-person at person-to-person text messages mula sa international at domestic sources, sa pamamagitan ng 24/7 Security Operations Center.

Naharang na ng kompanya ang halos 1.1 billion scam at spam messages sa first quarter ng taon, isang five-fold jump mula sa 217.31 million unwanted at unsolicited messages na na-block sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.

Bukod dito, ang bilang ng blacklisted SIMs mula sa Stop Spam portal ng Globe ay tumaas sa 22,455 sa first quarter ng 2023, mula sa 1,812 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Dine-activate din nito ang 647 SIMs, 610 dito ay sangkot sa pagpapadala ng scam o fraud messages, habang ang nalalabing 37 ay ginamit sa pagpapadala ng spam messages.

Ang bilang ng scam at spam messages na naharang ng Globe ay dumoble sa record 2.72 billion noong nakaraang taon mula 1.15 billion noong 2021 sa gitna ng pinaigting na kampanya nito laban sa fraudsters at scammers.

Gayundin ay dine-activate nito ang 20,225 SIMs, habang 35,333 SIMs ang na-blacklist. Para makatulong na matigil ang paglaganap ng naturang illegal activities, iginiit ng Globe ang panawagan nito sa mga customer na iparehistro ang kanilang SIMs bago ang July 25 extended deadline.

TAGS: Globe, phishing, scam, spam, Globe, phishing, scam, spam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.